New school. New me.
Last Friday, inenroll na kami ni mommy sa bago naming school sa Gen. Trias. The school is called St. Francis Academy. Maganda naman siya. Parang yung school ko lang tho mas mataas yung tuition fee. De La Salle supervised kasi.
Hanggang ngayon hindi ko parin maimagine yung sarili ko na papasok sa ibang school. Na hindi yung mga kaibigan ko ang makakasalubong ko. Pero may mga advantages din naman. Which is mas ginusto ko din.
Advantages:
- May aircon na. Hindi naman public yung school ko dati pero walang aircon. Idk why. -__- well, hindi naman lahat ng private schools airconditioned e.
- Bagong atmosphere.
- Mas malaki yung campus.
- Anti-bullying yung school. Teka, sa disadvantage dapat to..
- Better education quality. Hindi naman sa ayaw ko sa school ko, pero.. :)
- New friends.
- New uniform.
- Wala na yung mga teachers kong tsismosa/o.
- Mas makikilala mo yung sarili mo. Paano ko nasabi? Kasi kapag bago yung paligid mo, mas lalabas yung tunay na ikaw. kasi kapag sanay ka na sa mga friends mo at nagstay ka sa ganun parang nakakasawa. :)
- mas konti yung students.
- Pwedeng magdala ng gadget.
- Malapit sa mall.
Mas madaming pogi.
- Siyempre, nakaka-OP sa simula. lalo na dun sa school ko na may elementary. May mga kaklase ako na dun nag-grade 6. Baka ma-outgroup ako.
- Hindi ko na araw-araw makikita at makakasama yung mga taong nakasanayan ko.
- Bagong pakikitungo. Lalem ha.
- Bagong routine.
- Mas maagang gising. Pang-umaga na kasi kaming tatlo unlike last year na ako lang tapos sa tanghali sila. Geez.
- Mas maagang tulog -__-
- Malayo sa bahay.
- Hindi ko kabisado yung place. Lalo na yung mga tao. Kung paano sila magisip..
- Nakakatakot na baka masama ang first impression sakin.
- Ang mahal ng tuition.
- Ang daming books.
- Ang mahal din ng uniform. -_-
Despite the disadvantages, I’m still positive. Kaso mami-miss ko talaga mga friends ko. Pero mas okay na yun. Iwas issue. Ayoko talaga sa mga teachers sa ‘Catholic’ school ko. Jusmiyo.
Looking forward to the new me :-)

